Seguridad sa BJMP-Urdaneta, tiniyak ng Jail Warden

Mahigpit ang ipinapatupad na seguridad ngayon sa Urdaneta City District Jail para walang maipapasok na kontrabando.

Nangako si Chief Inspector Roque Constantino Sison III, District Jail Warden ng BJMP-Urdaneta na hindi makakapasok ang kontrabando sa loob ng pasilidad lalo na illegal drugs, patalim, baril at alak.

Sa ngayon ay ipinapagawa ni Sison ang search area para sa implementasyon ng straight searching.

Isasagawa naman aniya ang full search sa mga dadalaw na hinihinalang drug courrier.

Sa pag-upo ni sison sa posisyon nitong January ay agad siyang naglagay ng apat na CCTV Cameras para na rin aniya sa seguridad ng pasilidad at ng mga nakakulong.

Speak Your Mind

*