Sen. Grace Poe, may pinaka-maraming illegal campaign posters

Higit walong toneladang illegal campaign posters na ang nako-kolekta ng Metropolitan Manila Development Authority sa kanilang oplan baklas sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Metro Parkway Clearing Group Chief Francis Martinez, kinokonsidera nila ang pagtatalaga ng mga tauhan sa gabi para maiwasan ang pagdidikit ng mga posters sa mga ipinagbabawal na lugar.

Idino-donate naman aniya ang mga nasamsam na election materials sa mga organisasyon para mapakinabangan.

Samantala, si Senadora Grace Poe aniya ang may pinakaraming campaign posters na nabaklas ng MMDA habang si Dating Justice Secretary Leila de Lima naman sa mga senatoriable.

Speak Your Mind

*