Solenn Heussaff, ikakasal na sa Argentinean Boyfriend

Kinumpirma na ngayon ng host-actress na si Solenn Heussaff na ikakasal na ito sa kaniyang Argentinean boyfriend na si Nico Bolzico matapos ang kanilang mahigit na isang taong engagement.

Ayon sa aktres, nakatakdang ganapin ang kanilang kasal sa France sa buwan ng Mayo.

Magiging simple lamang aniya ang kanilang kasal na dadaluhan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan

Samantala, ikinasal na ang dating boyfriend ng aktres na si Kaye Abad na si Guji Lorenzana, isang actor/singer sa non-showbiz girlfriend nito na si Cheska Nolasco.

Noong nakaraang taon nang mag-“yes” sa marriage proposal ni Lorenzana ang interior designer na si Nolasco.

Isang taon ding naging magkasintahan ang dalawa bago nauwi sa engagement ang relasyon.

Speak Your Mind

*