Stephen Curry at Kevin Durant, umeksena sa Superbowl 50

Umeksena sina NBA Most Valuable Player Stephen Curry at dating MVP Kevin Durant sa katatapos lamang na Superbowl 50.

Naging isang cameraman si Durant at kasama nito ang ilang International Photographers.

Si Curry naman ay umekstra bilang “Keep Pounding” Drummer ng Carolina Panthers.

Dalawang beses na pumalo ng drums si Curry sa bawat quarters ng laban ng Panthers Kontra Denver Broncos.

Sa huli ay nanalo ang Broncos sa iskor na 24-10.

Speak Your Mind

*