Substitute ni Congressman Seneres, pinangalanan na

Nakapili na ang Partido Manggagawa at Magsasaka ng substitute para sa namayapang si Congressman Roy Seneres, ang kanilang orihinal na pambato sa eleksyon.

Matapos makapaghain ng mosyon sa Comelec En Banc para ideklarang bakante ang posisyon sana ni Seneres, napili ng partido si Apolonia Suguilon.

Si Suguilon ay una nang naideklarang nuisance candidate ng Comelec nang una niyang ihain ang kanyang COC bilang independent presidential candidate.

Ipauubaya naman na ng Comelec sa kanilang Law Department kung papayagan ang substitution kay Señeres.

Speak Your Mind

*