SUMVAC, isinusulong kasabay sa papalapit na bakasyon

Hinihikayat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang lahat ng mga LDRRMO sa Pangasinan na magtatag ng Oplan Summer Vacation o SUMVAC kasabay sa papalapit na bakasyon.

Sa panayam ng DZRD sonshine radio kay Avenix Arenas, Training and Information Officer ng PDDRMO sinabi nito na una nang tumugon sa kanilang panawagan ang Pangasinan Provincial Risk Reductioan and Management Federation.

Itinakda na anila ang 1st Quarter Coordination Conference para talakayan ang mga contingency plan na naayon sa mga hazard o panganib na maaari nilang kaharapin sa kanilang lugar.

Kabilang aniya sa dapat paghandaan ng Oplan Sumvac ang pagdasa ng mga turista kasabay sa paggunita ng Semana Santa at pagpasok ng bakasyon.

Sinabi naman ni Arenas na upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ay humihingi sila ang augmentation sa mga katuwang na ahensya tulad ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Army (AFP), at Philippine National Police (PNP).

Speak Your Mind

*