Suporta ng NPC kay Senador Grace Poe, hindi umano solido

Duda ang kampo ni Vice President Jejomar Binay na buo ang suporta ng Nationalist People’s Coalition kay Senador Grace Poe.

Ayon kay United Nationalist Alliance Spokesperson Mon Ilagan, hindi solido ang suporta ng NPC kay Poe dahil may mga miyembro umano ang partido na matagal nang kaibigan ni binay noong alkalde pa lamang ito ng makati.

Sinabi rin ni Ilagan na hindi makakaapekto kay binay ang endorsement ng NPC kay Poe.

Speak Your Mind

*