Supplementary Feeding Programs Journal ng DSWD Region 1, matagumpay

Matagumpay ang isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region One na Supplementary Feeding Programs (SFP) Journal na pinamagatang BURP sa bayan ng San Nicolas.

Sa isang programa na ginanap kahapon sa harap ng Day Care Center ay ipinasakamay ng DSWD at mga day care ang kopya ng journal sa mga mamamahayag na kasama sa media tour na binuo ng DSWD-Region one.

Ayon kay Iryn Cubangbang, Public Information Officer ng nasabing ahensya malaking tulong ang ipinapatupad na araw-araw na Feeding Program sa mga Daycare para maging malusog ang mga ito.

Tampok sa Feeding Program ang pagtutulungan ng LGU at Day Care Service Parents Groups sa pagpapatupad ng DSWD Programs lalo na ang SFP.

Kabilang sa mga daycare centers na pinasyalan ng mga DSWD at mamamahayag ay ang Poblacion, San Roque at Cabitnogan at nasaksihan nila ang pagpapakain ng giniling, kanin at pagpapainom sa mga ito ng gatas.

Araw-araw ang isinasagawang feeding activity at mayroong trese pesos na nakalaang budget para sa isang bata.

—-

Nagtutulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region One at lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pagpapatupad ng Supplementary Feeding Program sa Daycare sa loob ng sampung buwan.

Ayon kay Iryn Cubangbang, Public Information Officer ng DSWD-Region one na ang nabanggit na programa ay malaking tulong sa mga underweight.

Natuturuan rin ang mga bata na kumain ng mga masusustansyang pagkain at makaiwas sa mga junk foods.

Nagpapasalamat naman si Lydia Balon, naghahatid ng apo niya sa Daycare sa programang ito ng gobyerno.

Mula aniya nang ipatupad ang feeding program sa klase ng kanyang apat na taong gulang na apo ay tumaas ng ilang kilo ang timbang nito.

Speak Your Mind

*