Talamak na rice smuggling sa bansa, isinisi sa WTO

Sinisi sa World Trade Organization (WTO) ang talamak na rice smuggling sa bansa ngayon.

Ayon sa grupong Gabriela, halos nadoble pa ang dating 94 bilyong pisong halaga ng smuggled farm products noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ng grupong Gabriela, sa ngayon ay umaabot na ito sa 198 bilyong pisong halaga sa loob ng limang taon ng aquino administration.

Nauna ng ibinulgar ni Senador Cynthia Villar na ang mga private traders ang nabibigyan ng import permits tulad ni Davidson Bangayan alyas David Tan, sa halip na dapat sana ay natatamasa ng mga farmer cooperatives.

Kasabay nito, nanawagan din ang grupo ng Gabriela sa publiko na gawing prime issue ang food security sa darating na eleksyon sa Mayo.

Giit ng Gabriela na piliing mabuti ang mga ihahalal na pinuno ng bansa na mabibigyan ng proteksyon ang agrikultura laban sa WTO at mga pribadong agri-business interest.

Speak Your Mind

*