Talk ‘n Text, nasungkit ang unang panalo sa 2016 PBA Commissioner’s Cup

Nagawang masungkit ng Talk ‘n Text Tropang Texter ang kanilang unang panalo sa pagbubukas ng 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na talunin ng tnt ang koponan ng Blackwater sa iskor na 108-102.

Sa unang quarter ng laro, nagawang lumamang ng anim na puntos ang blackwater sa iskor na 17-11 ngunit bago tuluyang maubos ang oras ay nagawang makahabol ng Tropang Texter at makalamang ng tatlong puntos sa iskor na 29-26.

Pagdating naman sa huling quarter ng laro, lamang ng labing dalawang puntos ang tnt kontra Blackwater.

Ngunit nagawang mahabol ito ng elite at maibaba ang kalamangan ng TNT sa iskor na 103-102 matapos mag-ambag ng puntos sina Carlo Lastimosa at Art dela Cruz.

Sa huling minuto ng laro, nagawang makapuntos nina Jayson Castro at Larry Fonacier ng Texter at tuluyang sungkitin ang kanilang unang panalo sa naturang torneyo

Speak Your Mind

*