Toni Gonzaga, buntis na sa first baby nila ni Paul Soriano

Toni GonzagaBuntis na umano ang aktres at singer na si Toni Gonzaga sa kanilang first baby ng mister na si Direk Paul Soriano.

Sa report ng PEP.PH, kinumpirma ito ng isa sa mga malalapit kina Toni at Paul.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi muna matutuloy ang gagawin sanang primetime drama na “written in our stars” kung saan kasama sa cast sina Piolo Pascual at Sam Milby.

Nakatakda sana itong umere sa unang kwarter ng 2016.

Wala pang official statement ang mag-asawa patungkol sa umano’y pagbubuntis ni Toni.

Speak Your Mind

*