Toyota, magre-recall ng may tatlong milyong unit dahil sa problema sa seatbelt

Pina-rerecall ng Toyota Motor Corporation ang nasa halos tatlong milyong units nila sa buong mundo.

Ito ay dahil sa posibleng problema sa seatbelts.

Ayon sa Toyota, nagpasya silang i-recall ang ilan nilang car units dahil sa posibilidad na masira ng metal seat frame ang seat belts nito kapag nagkaroon ng car crash.

Kabilang naman sa mga car units na kanilang pina-rerecall ang RAV 4 SUV model na ginawa sa pagitan ng July 2005 at Agosto 2014 at Vanguard SUV Model na ginawa sa pagitan ng Oktubre 2005 at Enero 2016.

Speak Your Mind

*