Tradisyunal na salubungan, muling isinagawa sa paggunita ng EDSA30

Muling isinagawa ng militar at ng hanay ng mga sibilyan ang makasaysayang salubungan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-tatlumpung EDSA People Power Revolution.

Nilahukan ito ng nasa dalawang libong pulis at sundalo na nagkapit-bisig mula EDSA Santolan para salubungin ang hanay ng mga sibilyan na kinabibilangan naman ng mga madre at mga estudyante.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor, sinisimbolo ng salubungan ang pagkakaisa ng militar at pulisya mula noong panahon ng EDSA uno hanggang ngayon.

Matapos ang salubungan, nagpasabog ng dilaw at puting confetti sa EDSA ang dalawang helicopter ng AFP.

Speak Your Mind

*