Tulong ng mga volunteers, malaki ang bahagi sa tagumpay ng KALAHI-CIDSS

Malaki ang tulong ng mga barangay officials at mga volunteers sa pagpapatupad ng DSWD-Region One ng mga subproject sa ilalim ng KALAHI-CIDSS National Community Driven Development Program.

Nagpasalamat si DSWD Regional Director Nicomedes Marcelo Castillo sa mga nabanggit at aniya ang kanilang ahensya at ang lokal na pamahalaan ay daan ng pagbibigay ng tulong.

Sa kanyang mensahe sa naganap na hand-over ng limang proyekto ay sinabi pa ni Castillo na kung may pagkakaisa ang pamayanan ay may patutunguhan ang bayan.

Sa pagpapasinaya ng mga proyekto gaya ng konkretong barangay road at water system sa limang barangay ay maliit na mga proyekto pero malaking bagay.

Sa buong rehiyon uno ay labing isang bayan ang benepisaryo ng kalahi-cidss kung saan sa pangasinan ay ang bayan ng Burgos lamang.

Paliwanag ni Director Castillo na ang Burgos ay pumasok sa 26 percent na poverty incidence na unang criteria.

—-

Nagpasalamat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region one ang mga kinatawan ng iba’t ibang barangay sa bayan ng Burgos na nabiyayaan ng proyekto sa ilalim ng KALAHI- CIDSS – National Community Driven Development Program.

Ayon kay Sheena Nino ng barangay San Vicente natutuwa ang kanyang mga kabarangay sa pagkakaroon ng konkretong daan na may habang 240 meters.

Sinabi ni Nino na sa ngayon ay wala pa silang anak ng kanyang asawa ngunit balang araw ay dadaan rin ito sa nasabing proyekto.

Ayon naman kay Corazon Domondon ng barangay San Pascual malaki ang tulong ng proyekto sa kanila na nakatira sa lugar.

Ang nakonkretong barangay road sa San Pascual ay may habang 467 meters.

Speak Your Mind

*