Tyson Fury, pursigidong matuloy ang kanilang rematch ni Wladimir Klitschko

Pursigido si WBO, IBO at WBA Heavyweight Champion Tyson Fury sa rematch nito kontra kay Wladimir Klitschko.

Unang itinakda ang kanilang laban sa Mayo a-siyete, subalit ipinagpaliban ito sa buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.

Ang dahilan, magkakasabay ang petsa ng sagupaan nina Amir Khan at Saul “Canelo” Alvarez.

Ayon kay Fury, hindi na mahalaga sa kanya kung saan man isasagawa ang kanilang laban, subalit mas gusto pa rin niyang sa U.K. pa rin gawin ang laban.

Ang mahalaga aniya ay matuloy ang kanilang rematch sa lalong madaling panahon.

Speak Your Mind

*