UE, naglabas na ng pahayag kaugnay sa viral-video ng kanilang estudyante

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng University of the East- Manila kaugnay sa viral-video ng kanilang estudyante na ginawang basahan ang watawat ng Pilipinas.

Ayon sa pahayag ng UE, nakausap na ng kanilang disciplinary committee ang mga high school student na sangkot sa nasabing video at ang mga magulang ng mga ito.

Nagsawa rin umano ng aktibidad ang UE-Manila para itaas ang awareness ng mga estudyante hinggil sa Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Bagama’t tumanggi si UE Relations Officer Edilberto Sulat Jr. na i-detalye pa ang mga hakbang ng unibersidad, sinabi naman nito na on-going pa ang due process kaugnay sa insidente.

Speak Your Mind

*