Unang bahagi ng dagdag sa suweldo, pinapu-proseso na ng DBM

BDMMaaari nang iproseso ang unang bahagi ng Salary Standardization Law (SSL) para sa salary adjustment ng mga kawani ng gobyerno.

Ito ang inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) matapos lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Executive Order 201.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, sa pamamagitan ng budget circular 562 at local budget circular 108 ay maaari ng ipatupad ang adjustment sa suweldo ng mga empleyado ng gobyerno.

Kasabay nito, matatanggap din ng karagdagang allowances ang mga military at non-uniformed personnel.

Nilinaw rin ni Abad na retroactive ang compensation adjustment na matatanggap ng mga empleyado.

Speak Your Mind

*