Unang bakuna kontra apat na klase ng dengue, inilunsad sa bansa

Inilunsad ng Sanofi Pasteur, Pharmaceutical Company na naka-base sa France ang kauna-unahang anti-dengue vaccine na tinawag na “dengvaxia” dito sa bansa.

Ayon kay Dr. Rose de los Reyes, President ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases, ang bakuna ay para sa apat na klase ng dengue.

Mayroon nang stock ang ilang mga pampribadong ospital at mga stockhouses ng gobyerno.

Ayon naman kay Dr. Rose Capeding, pinuno ng Department of Microbiology sa research Institute for Tropical Medicine (RITM), walang naitalang side effects ang nasabing bakuna.

Speak Your Mind

*