US-CDC, pinag-aaralan ang panibagong kaso ng zika virus

Pinag-aaralan na ngayon ng US Centre for Disease Control(CDC) ang 14 na panibagong kaso ng zika virus.

Isa sa iniimbestigahan ngayon ng CDC ang posibeledad na naipasa ang nagturang sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Habang wala pa namang resulta ang naturang pag-aaral, pinayuhan naman ng ahensya ang mga kalalakihan maging ang mga kababaihan na umiwas muna sa pakikipagtalik para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat upang maintindihan ang epekto at takbo sa katawan ng zika virus.

Speak Your Mind

*