Vote-Counting Machine, ipapakita ng Comelec-Pangasinan sa publiko

Ipapakita ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko ang paggamit ng Vote-Counting Machine (VCM) na gagamitin naman sa eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor ng Comelec-Pangasinan ang demonstrasyon ay isasagawa sa apat na piling paaralan sa lalawigan sa Sabado, Pebrero a trese.

Layon ng Comelec na maipakita sa publiko ang kaligtasan at security features ng makina.

Tig-dalawang paaralan sa Dagupan City at Alaminos City ang pagsasagawaan ng demonstrasyon sa pamamagitan ng mock elections.

Sa lungsod ng Alaminos ay isasagawa ito sa Linmansangan Elementary School at Poblacion Elementary School, habang sa lungsod naman ng Dagupan ay gaganapin ang aktibidad sa West Central Elementary School at Pugaro Elementary School.

Speak Your Mind

*