Warrior, muling nagtala ng bagong record sa NBA

Muling nagtala ng panibagong record sa kasaysayan ng National Basketball Association o NBA ang koponan ng Golden State Warrior.

Ito’y makaraang talunin nito ang Oklahoma City Thunder sa overtime game sa iskor na 121-118.

Nakapagtala si MVP Stephen Curry ng 46 points kabilang ang winning three-pointer sa layong 30 feet sa huling 0.6 seconds ng laro.

Binura ni Curry ang sariling record sa pinaka maraming tres na nagawa sa isang season sa pagtala ng bagong marka na 288.

Dahil rin sa panalo, hawak na ngayon ng Warriors ang 53-5 win-loss record ngayong season kung saan papalapit naman sa 72-10 marka na nagawa ng grupo ni Michael Jordan sa pamamayagpag ng Chicago Bulls.

Speak Your Mind

*