WHO, wala pang travel restrictions sa kabila ng zika outbreak

Nilinaw ng World Health Organizations o WHO na hindi pa ito nagrerekomenda ng travel restrictions sa kabila ng Zika Outbreak.

Sa inilabas na pahayag ng W-H-O, pinaalalahan nito ang mga buntis na mag-ingat at manatiling maalam sa zika virus.

Pinapayuhan rin ang mga buntis na magpakonsulta sa doktor bago at matapos na bumiyahe sa bansang apektado ng zika outbreak.

Kinakailangan rin umanong agad na sumailalaim sa counselling at antenatal care ang sinumang buntis na dinapuan ng nasabing sakit.

Speak Your Mind

*