10 estudyante sugatan sa pananaksak sa isang paaralan sa China

Sampung estudyante ang sugatan matapos na pagsasaksakin sa isang paaralan sa Southern Island province ng Hainan.

Ayon sa report, papauwi na umano ang mga biktima ng sumugod ang suspek na si Li Sijun sa naturang paaralan.

Agad umano nitong pinagsasaksak ang mga biktima kung saan ang dalawa sa mga ito ay nagtamo ng matinding saksak.

Napag-alaman naman ng mga otoridad na noong taong 2014 ay may ganito ring insidente ng pananaksak kung saan tatlong estudyante at isang guro ang nasawi.

Dahil dito, pinaigting pa ng mga otoridad ang seguridad sa paligid ng mga paaralan doon upang maiwasang muling maulit ang insidente.

Speak Your Mind

*