5 days pork holiday, planong isulong ng SINAG dahil sa smuggling

Pinag-aaralan ngayon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at National Federation of Hog Raiser na isulong ang limang araw ng Pork Holiday.

Ang hakbang na ito ay bilang protesta sa talamak na smuggling ng mga frozen meat na umabot sa limang milyong kilo ang pumasok sa bansa noong taong 2015.

Sinabi ni SINAG Chairman Rosendo So, gustong nilang malaman kung sino ang dapat managot sa Bureau of Customs at Bureau of Quarantine dahilan sa pagkalugi ng mga backyard raiser dahil sa smuggling.

Bagamat batid ng grupo na maaapektuhan ang mga cosumer ng planong pork holiday, pero nais umano nilang ipabatid sa gobyerno na kung malalawa ang local hog raiser ay hindi kayang punan ng importation.

Isinasapinal pa naman ang petsa ng planong pagsasagawa ng pork holiday.

Speak Your Mind

*