90% ng mga pampasaherong dyip sa Pangasinan, masasagasaan ng phase out

Mahigit nubenta porsyento ang maaapektuhan na mga dyip sa lalawigan ng Pangasinan kung sakaling matuloy ang phase-out ng mga serviceable na ng kinse taon pataas.

Ito ang kinumpirma ni AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino sa sonshine radio, at dagdag nito na aabot sa 3,500 hanggang 4,000 ang pumapasadang dyip sa buong lalawigan na kanilang miyembro.

Mungkahi ni Aquino na dapat  ay upgrading lamang ang ipapatupad ng pamahalaan at hindi phase-out.

Kung matutuloy aniya ang planong phase-out, ang masyadong apektado ay ang mga mananakay.

Ang mga dyip aniya na ipinapasada sa Pangasinan ay locally assembled kaya upgrading ang dapat gawin lalo’t ang mga makina ay second hand na inaangkat sa ibang bansa.

Giit din niya na ang kinakailangang gawin ng gobyerno ay mag-import na lamang ng mga bagong makina at maglatag na lamang ng paraan kung paano ito mababayaran ng mga operator.

Speak Your Mind

*