96 percent sa kabuuang papolasyon sa rehiyon uno, covered na ng Philhealth

Halos 96 percent na sa kabuuang papolasyon sa rehiyon uno ay Covered na ng Philippine Health (Philhealth) Insurance Corporation’s Universal Health Care Program.

Sinabi ni Rodolfo del Rosario Jr., OIC Regional Vice President ng Philhealth Region one na ang nasabing data ay base sa aktuwal na bilang ng mga miyembro at dependents mula sa kanilang database nitong december 31, 2015.

Base sa tala, nangunguna ang lalawigan ng La Union na may pinaka-mataas na percentage ng papolasyon na saklaw ng Philhealth’s Universal Health Care Program na aabot sa 108 percent.

Pumapangalawa naman ang Ilocos Sur na may 98 percent, sa Pangasinan ay 94 percent habang sa Ilocos Norte naman ay 91 percent.

Speak Your Mind

*