Alden Richards at Maine Mendoza, itinuturing ‘hottest product endorser’ sa bansa

Itinuturing na ‘hottest product endorser’ sa bansa ang sikat na Noontime-TV Love Team na ‘Aldub.’

Ito ay base sa sunod-sunod na commercials, billboards at print ads na pinagbibidahan ng love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa loob lamang ng pitong buwan simula ng umusbong ang sikat na love team ay pumalo na sa mahigit dalawang daang milyon ang pinagsamang kita ng dalawa.

Sa kasalukuyan ay mabot na sa apatnapu’t isa ang kabuuang endorsements ng Aldub.

Tinatayang nasa P5 million ang rates ni Alden habang pumapalo naman sa P1.5 million ang rate ni Yaya Dub.

 

Speak Your Mind

*