“Angat pa Pinas” campaign ng BIR Region Office, mas pinaigting

Muling hinihimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) – Regional Office ang mga tax payer na magbayad ng tamang buwis.

Ito’y kaugnay sa inilunsad na kampanya ng BIR sa bayan ng Calasiao, Pangasinan na 2016 Tax Campaign Kick Off o ang “Angat Pa Pinas” sa layuning maiangat ang tax collection ng bansa ngayong taon.

Ang hakbang na ito ay paraan din para maiwasan na makasuhan ng tax evasion dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Sinabi naman ni Atty. Nelson Aspe, Deputy Commissioner on Operation ng BIR na upang magtagumpay ang kampanyang ito, mas palalawigin ng ahensya ang pagpapaigting sa e-BIR at eFPS facilities.

Bukod dito, mas maghihigpit din ang BIR sa ipinapatupad na tax compliance verification drive, at Oplan Kandado sa mga tax payer na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Speak Your Mind

*