Ara Mina, ipinagtanggol ang kapatid na si Christine Reyes

Ipinagtanggol ni ara mina ang kapatid na si Christine Reyes matapos akusahan ng pagiging bastos ng co-star nitong si Vivian Velez.

Paliwanag ni Ara, nakausap niya si Christine at itinanggi nitong pinaalis si Vivian sa kanilang shared room sa taping ng teleseryeng Tubig at Langis.

Say pa ni Ara, gustong kausapin ni Christine si Vivian pero tumanggi raw ito.

Naniniwala naman si Ara na maglalabas din ng kanyang statement si Christine kapag handa na ito.

Umaasa ang aktres na magiging okay na ang kapatid at si Vivian.

 

Speak Your Mind

*