Bagong primetime series ni Direk Zapata, alay sa 2 namayapang direktor

Ini-alay naman ni Direk Dominic Zapata ang pinakabago nitong Primetime Comedy Series na “Poor Señorita,” sa yumaong direktor na sina Uro Dela Cruz at Wenn Deramas.

Ito’y bilang pagbigay ng pagkilala sa naiambag ng dalawang batikang direktor sa Entertainment Industry.

Matatandaang pumanaw ang “Bubble Gang” director na si Dela Cruz nitong nakaraang buwan, habang sumakabilang-buhay naman si Direk Wenn noong Pebrero dahil sa cardiac arrest.

Pagbibidahan naman nina asia’s songbird regine velasquez at kapuso actor Mikael Daez ang “Poor Señorita,” ni direk dom na magsisimula sa Marso a-bente otso.

Speak Your Mind

*