Bantog Samahang Multi-Purpose Cooperative, tuloy sa pag-unlad

Patuloy ang pag-unlad ng Bantog Samahang Multi-Purpose Cooperative sa tulong ng Philippine Carabao Center (PCC).

Kinumpirma ni Chairman Rolly Mateo ng Barangay Bantog sa bayan ng Asingan at dagdag nito na mula noong mabuo ang grupo ng mga magsasaka noong 1973, hanggang maiparehistro na ito bilang kooperatiba noong 1991.

Sa panayam ng sonshine radio ay sinabi ni Mateo na iba’t ibang negosyo ang pinasok ng mga miyembro gaya ng buy and sell at pag-aalaga ng fishpond, ngunit hindi sila nagtagumpay.

Pagdating naman ng 2007 ay inumpisahan na ang pagproseso ng dairy products na umaabot na ngayon ang market sa Baguio City, La Union, Manila at mayroon ding mabibili dito sa Pangasinan.

Aabot na sa higit dalawang-daan na ang miyembro ng nasabing kooperatiba na ang miyembro ay hindi lang residente ng asingan, kundi mayroon mula sa ibang lugar sa lalawigan at sa buong rehiyon uno.

Speak Your Mind

*