Barrack Obama, ni-nomina si Merrick Garland sa Supreme Court

Mismong si U.S President Barrack Obama ang nagnomina kay Washington D.C. Appeals Court Judge Merrick Garland para magiging Supreme Court Justice ng Amerika.

Aniya, wala nang mas mahusay pa para sa naturang posisyon kundi si Garland.

Dagdag pa ni Obama, kung hindi iboboto ng senado si Garland sa Supreme Court ay tiyak na maghihirap ang kanilang justice system.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Garland kay Obama sa pag-nomina sa kanya sa pwesto sa Supreme Court.

Si Garland ay Chief Judge ng Washington, D.C. Appeals Court, na in-appoint ni dating U.S President Bill Clinton.

Nagtapos ito ng abogasya sa Harvard Law School.

Speak Your Mind

*