Bentahan ng karne ng manok sa Mangaldan, humina dahil sa NCD

Humina ang bentahan ng karne ng manok sa bayan ng mangaldan dahil sa pagsulpot ng New Castle Disease (NCD).

Ayon kay Veronica Junatas, namumuno ng Slaughterhouse sa kanilang monitoring sa mga panindang karne sa palengke.

Natakot aniya ang mga konsumer na bibili ng karne ng manok dahil sa naturang sakit.

Tiniyak naman ni Junatas sa sonshine radio na walang problema sa mga mabibiling karne ng manok sa palengke ng Mangaldan dahil hindi apektado ng NCD ang mga pinagkukuhanan ng suplay.

Ang mga manok na apektado ng NCD ay mula sa backyard ngunit ang suplay na pumapasok sa paelengke ay mula sa poultry farm.

Sa ngayon ay wala pa ring pagbabago sa presyo 130 pisos pa rin kada isang kilo.

Speak Your Mind

*