Bentahan ng NFA Rice sa Western Pangasinan, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang bentahan ng NFA Rice sa mga pamilihang bayan sa western pangasinan.

Ito ang inihayag ni Juliet Orias, Assistant Manager ng NFA-Western Pangasinan sa ginanap na KBP Forum ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter.

Ayon kay Orias, siyamnaput dalawa na “Bigasan sa Palengke Outlet” na accredated ng NFA ang nagbibenta ng NFA Rice sa presyong P27 at P32 kada kilo.

Makatitiyak umanong may mabibiling P27 kada kilo ng bigas sa mga NFA Outlet taliwas sa sinasabing walang makikitang nagbibinta ng P27 kada kilo sa mga pamilihan.

Upang matiyak na authorized NFA Outlet ang isang puwesto, makikita rito ang tarpulin na nakalagay ang NFA accredated outlet, may naka-paskil na signboard kasama na ang contol number at pangalan ng operator.

Speak Your Mind

*