Berong bombero sa paaralan, inilunsad ng BFP-Binmaley

Ilulunsad ngayong araw ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Binmaley ang Berong Bombero sa Paaralan.

Ayon kay SFO3 Anastacio Fernandez Jr. fire marshal ng BFP-Binmaley ito ay bahagi ng aktibidad na kanilang inihanda para sa Fire Prevention Month ngayong Marso.

Sa pamamagitan ng programa ay maglilibot ang mga empleyado ng BFP sa lahat ng elementary schools para magsagawa ng lectures.

Idadaan ng mga BFP personnel ang pagle-lecture patungkol sa pag-iwas sa sunog sa pamamagitan ng kwento para lalong maintindihan ito  ng mga bata.

Ang tema ng selbrasyon ngayong taon ay “Kaalaman at Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa sunog ay Makakamtam”.

Speak Your Mind

*