Bilang ng mga sumuporta kay Duterte, mas lumubo sa kabila ng pagbaba sa pinakahuling SWS survey

Bumaba man sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) si PDP Laban Standard Bearer at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay dumadami naman ang nakokonvert sa mga lugar na pinupuntahan nito.

Ito ang paniniwala ni Maribojoc Town Mayor Leoncio Evasco na siya ring campaign manager ni Duterte na bagamat siniseryoso nila ang resulta ng mga survey ay hindi naman nila maisasantabi ang dumadami ng mga lumilipat at naniniwala sa kakayahan at pamumuno ng alkade ng Davao.

Binigyang diin ni Evasco ang lumulubong bilang ng mga suporters ni Duterte sa mga sorties na pinupuntahan nito sa iba’t ibang panig ng bansa.

Magugunita sa pinakahuling SWS Survey ay nasa ikaapat na pwesto si Duterte at mas mababa ng tatlong puntos kumpara noong huling survey.

Speak Your Mind

*