BJMP Dagupan, negatibo sa illegal drugs sa isinagawang oplan galugad

Nigatibo sa ipinagbabawal na gamot at mga deadly weapon ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Dagupan sa isinagawang operation galugad ng BJMP at PDEA Region 1.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng kampanya ng gobyerno na Oplan Galugad sa lahat ng bjmp sa buong bansa upang tuluyang masugpo ang droga sa mga kulungan.

Ayon kay JINSP. Atty. Kennth Bid-Ing, Jail Warden ng Dagupan City BJMP, resulta ito ng regular inspection na kanilang isinasagawa sa may 10 detention cell at may mahigit walong daang inmates.

Pero sa layuning maging drug free community ang BJMP Dagupan, sinabi ni bid-ing na personal siyang nag request ng joint operation sa BJMP at PDEA Regional Office dahil may sapat silang resources at kagamitan.

Tiniyak naman na regular ang isasagawang Oplan Galugad sa BJMP Dagupan kasama na rito ang pagkapkap sa mga inmates, at pag-inspection sa kanilang tulugan at kagamitan.

Speak Your Mind

*