Central Pangasinan, nakiisa sa pormal na pagsisimula ang Fire Prevention Month

Makibahagi ngayong araw sa pormal na pagsisimula ng 2016 Fire Prevention Month ngayong marso ang Bureau of fire Protection (BFP) sa Pangasinan

Isinagawa ang Simultaneous Walk for a Fire-Free and a Fire-Safe Nation sa tatlong lugar sa lalawigan kabilang na ang Central Pangasinan sa pangunguna ng Lingayen cluster kasama ang Binmaley, Dagupan, Calasiao, San Carlos City, Bayambang, Bugalon, Alcala, Urbistondo, at bayan ng Aguilar.

Ayon kay Charmie Ocampo ang fire marshal Lingayen BFP, ang tema ng fire prevention month ngayong Marso ay “kaalaman at pagtutulungan ng sambayanan, kaligtasan sa sunod ay makakamtam”.

Ang mga firetruck ay umikot sa Lingayen para paalalahanan ang mamamayan kaugnay ng mga dapat gawin kontra sunog at hikayatin sila na makiisa sa kampanya ng BFP.

Speak Your Mind

*