Comelec, wala pang magagawa sa mga illegal campaign materials ng local candidates

Aminado ang Commission on Election o Comelec-Dagupan na wala silang magagawa sa mga legal at illegal campaign materials na nagkalat ngayon sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Dagupan City Comelec Officer Atty. Ericson Organiza, dahil sa Marso a-bente singko pa ang opisyal na pagsisimula ng pangangampanya ng mga lokal na kandidato.

Maikokonsidera pa lang aniya na official candidates ang mga ito sa pagsisimula ng election campaign kayat wala pa silang kapangyarihan na galawin ang mga campaign parapernallia.

Hindi rin aniya magagawang aksyunan ng Comelec ang viral ngayon sa social media na vote buying hanggat wala silang natatanggap na pormal na reklamo.

Speak Your Mind

*