Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipinatupad

Matapos ang sunud-sunod na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, nagpatupad ng pagtataas ang mga kum­panya ng langis sa bansa simula ngayong umaga.

Sabay na nag-anunsyo ang Pilipinas Shell at Phoenix Petroleum sa pagtataas ng 65-sentimos kada litro sa diesel, 80-sentimos sa gasolina habang 70-sentimos naman kada litro sa kerosene na epektibo kaninang alas-sais ng umaga.

Ina­asahang susunod na rin ang iba pang kumpanya ng langis.

Ang panibagong dagdag sa presyo ng langis ay epekto ng paggalaw ng halaga ng krudo sa world market.

Speak Your Mind

*