Dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo, muling ipinatupad

Sinimulan nang ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Nauna nang nagpatupad ng dagdag-singil kaninang alas dose ng hatinggabi ang kumpanyanag Flying V kung saan uno sisenta ang idinagdag nito sa presyo ng gasolina habang uno beinte-singko naman sa presyo ng diesel.

Sinundan naman ito ngayong alas sais ng umaga ng Pilipinas Shell at Eastern Petroleum sa kaparehong presyo.

Nagtaas din ng uno kinse sa presyo ng kerosene ang Pilipinas Shell, Seaoil at Flying V.

Ang panibagong oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Speak Your Mind

*