Dahil sa isyu ng money laundering, local stock market bahagyang tumaas

Dahil sa isyu ng kontrobersyal na money laundering, bahagyang tumaas ang local stock market.

Naitala ang 0.50 percent na pag-angat para maitala ang 7,148.26 points.

Habang pumalo naman sa 4,124 points ang overall shares.

Samantala, bumulusok naman ang RCBC shares ng 5.14 percent sa pagsasara ng trading ngayong araw.

Ayon sa ilang equity analyst, malaki ang posibilidad na bumaba pa ito ngayong nagsimula na ang senate inquiry kaugnay sa money laundering.

Hinikayat naman ng mga analyst ang mga stock investors na bumili na ng shares.

Speak Your Mind

*