DHO Region 1, isasalang sa question hour hinggil sa Zika virus

Isasalang sa question hour sa susunod na regular session ng Sangguniang Panlalawigan ang kinatawan ng Department of Health (DOH) Region 1 para magbigay ng update kaugnay ng status ng Zika Virus sa Pangasinan.

Inaprubahan kahapon ang panukalang Provincial Resolution 1929-2016 o pag-imbita sa question hour kina DOH Regional Director Dr. Myrna Cabotaje, Epidemiologist Dr. Rosie Pamintuan at Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman.

Ayon sa may akda ng resolusyon na si Board Member Ranjit Shahani, ito ay bahagi ng pagganap ng Sangguniang Panlalawigan ng responsibilidad para matiyak at suportahan ang promosyon ng kalusugan at kaligtasan ng mga Pangasinense.

Idineklara kamakailan ng World Health Organization na ang Zika Virus ay kinakailangan na ng agarang aksyon dahil kalat na rin ito sa ibang bahagi ng mundo.

Speak Your Mind

*