DTI, pinaghahandaan na ang “Diskwento Balik Eskuwela Caravan” sa Bolinao

Pinaghahandaan na ng Department of Trade and Industry (DTI)-Pangasinan ang kanilang “Diskwento Balik Eskuwela Caravan” sa bayan ng Bolinao na magaganap sa buwan ng Abril.

Sa panayam ng sonshine radio kay Marjorie Moresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI sinabi nito na kasama sa kanilang paghahanda ang pakikipag-usap sa mga business establishment na magbibigay ng diskwento.

Maaga narin aniyang nagpadala ng sulat ang DTI sa mga participating retailer para humiling sa kanilang mga supplier ng mas mababang presyo ng school supllies.

Naniniwala ang ahensya na malaking tulong ang “Diskwento Balik Eskuwela Caravan” sa mahihirap na mga estudyante dahil sa aabot ng hanggang dalawampung porsyentong discount ang kanilang matitipid sa pagbili ng mga gamit sa eskuwela.

Tiniyak naman ni Loresco na de kalidad at pasok sa standard ng DTI ang mabibiling produkto sa nasabing caravan.

Speak Your Mind

*