Duterte, iginiit na hindi magiging diktador sakaling mahalal na pangulo

Pinalagan ni PDP Laban Standard Bearer at Davao City Mayor Rodrido Duterte ang pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na magiging diktador ito at magiging madugo ang kaniyang pamumuno sakaling manalo sa halalan.

Ayon kay Duterte, hindi niya hahayaang mangyari ito dahil magiging kahihiyan sa nasira nitong ina na si Soledad Duterte kung mamumuno itong diktador sa bansa.

Paliwanag ni Duterte, ang ina nito ang isa sa mga kababaihan sa Davao City na nagmartsa sa kalsada ng Davao bilang pagtutol sa diktaduryang pamamalakad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong panahon ng Martial Law.

Magugunitang sinabi ni Aquino kamakailan na ikinakabahala nito sakaling manalo si Duterte sa pagkapangulo na dadanak ang dugo bunsod na rin sa style ng kaniyang pamumuno na posibleng maging diktador.

Speak Your Mind

*