Duterte, mamamahagi ng bigas sa mga mahihirap sakaling maluklok na pangulo ng bansa

duterte-300x180Mamahagi ng tig-isang sakong bigas si presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga pinaka-mahihirap na pamilya sa bansa.

Ito ayon kay Duterte ay sa sandaling palarin siyang maging pangulo ng bansa.

Partikular na pagkakalooban ni Duterte ang mga kasalukuyang benepisyaryo ng conditional cash transfer (CCT) program o kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sinabi ni Duterte na hindi sapat ang kasalukuyang tinatanggap ng mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps kung kaya’t mas mabuting dagdagan din ito ng isang sako ng bigas kada buwan.

Isa aniya sa mga maaring pagkunan ng pondo para sa ipamamahaging bigas ay ang sin taxes o ang kita mula sa PAGCOR.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa kaniyang pangangampanya sa kaniyang hometown.

Speak Your Mind

*