Duterte, mas pipiliing magbasa ng makabuluhang magasin kaysa komiks

Hindi ako nagbabasa ng komiks!

Ito ang tugon ni Presidential Aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay sa komiks na ‘Sa Gitna Ng Unos’ ni Liberal Party Presidential Candidate Mar Roxas.

Ayon kay Duterte, mas pinipili nitong basahin ang mga may kabuluhang magazine kaysa mga komiks.

Una nang umani ng kritisismo si Roxas mula sa mga netizens sa inilabas na komiks na tila pampapogi at pampabango kaugnay sa mga nagawa ng dating kalihim ng DILG noong panahon ng pananalasa ng bagyong Yolanda.

Pinanindigan naman ng kampo ni Roxas ang nilalaman ng komiks dahil base umano ito sa tunay na pangyayari at ginawa ni Roxas sa Eastern Visayas noong nanalasa ang napakalakas na bagyo.

Speak Your Mind

*