Duterte, nalampasan na si VP Binay sa pinakabagong presidential poll survey

Nalagpasan ni Presidential Bet at Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Vice President JEJOMAR Binay sa pinakabagong presidential poll ng The Standard na isinagawa mula Pebrero 24 hanggang Marso 1.

Pinakamalaki ngayon ang itinaas ni Duterte sa lahat ng mga tumatakbong presidente kung saan nakakuha siya ng 24 percent mula 20 percent sa survey na isinagawa noong Enero.

Nalampasan ngayon ng alkalde ng Davao si Binay na may 23 percent mula sa 22 percent sa nakaraang survey na nilahukan ng 3,000 respondents mula sa 79 probinsya at 17 lungsod sa metro manila.

Bagamat bumaba sa 26 percent mula sa 29 percent, nananatiling nasa unang pwesto pa rin si senator grace poe.

Ayon naman kay Jun Laylo, Resident Pollster ng the staNdard, maituturing nang statistically tied sa number 1 spot ang tatlong presidential candidates.

Samantala, si Liberal Party Bet Mar Roxas ay nakakuha ng 22% habang si Senator Miriam Santiago ay 2%.

Speak Your Mind

*