Epektadong palaisdaan sa Lingayen dahil sa El Nino, 60% na

Pumalo na sa animnapung porsyento ng mga palaisdaan sa bayan ng Lingayen, Pangasinan ang apektado ng nararanasang El Nino Phenomenon.

Bunsod ng kakulangan ng patubig ay napilitan narin umano ang ilang mga fishpond operator na magsagawa ng post harvest sa mga alagang bangus upang maiwasan ang kanilang pagkalugi.

Dahil dito, umapela si Edgar Sison, Presidente ng Lingayen Federation of Fisher Folk Organizations (LFFFO) sa provincial government ng water pumps upang matiyak suplay ng tubig sa kanilang mga palaisdaan.

Malaking tulong umano sa ang water pumps sa water management upang maibsan ang pagkatayo ng mga palaisdaan at mapangat ang produksyon ng bangus na patuloy sa pagbaba.

Samantala, ipinanukala naman ng BFAR Provincial Fishery Office ang pagsasagawa ng dredging o paghuhukay sa kailugan upang makapasok ang hightide sa mga ilog ng Lingayen, Binmaley at lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*