Freddie Roach, nakukulangan pa sa training performance ni Pacquiao

Fredie RoachKailangan pang pag-igihan ni eight division world champ Manny Pacquiao ang kanyang training performance para sa laban kontra kay Timothy Bradley.

Ayon kay Coach Freddie Roach, hindi ganoon kaganda pero hindi naman pangit ang kanyang assessment sa training performance ni Pacquiao.

Gustong tutukan ni Roach ang sparring aspect sa training para maibalik ang dating Pacquiao.

Kung kakailanganin, posibleng humingi ng karagdagang sparring partner si Roach para matulungan ang isa pang sparring partner ni Pacman na si Ghislain Maduma.

Speak Your Mind

*